UK PM Sunak humirit kay PBBM ng dagdag Filipino healthcare workers

By Chona Yu May 10, 2023 - 01:01 PM

BONGBONG MARCOS FB PHOTO

Labuan Bajo, Indonesia – Humihirit si United Kingdom Prime Minister Rishi Sunak kay Pangulong  Marcos Jr. na kung maari ay dagdagan pa ang pagpapadala ng Filipino workers sa kanilang bansa.

Ayon sa Pangulo, ginawa ni Sunak ang pahayag nang magkausap sila sa koronasyon ni King Charles sa London.

Nagpasalamat aniya si Sunak dahil sa magandang trabaho na ibinibigay ng mga Filipino workers lalo noong panahon ng pandemya sa COVID-19.

Tinalakay din ng Pangulo ang pagkakahalal kay Sunak bilang punong ministro na aniya ay nagbigay ng stability sa United Kingdom.

Napag-usapan din nina Pangulong Marcos at Sunak ang Gatwick Airport na aniya ay maaring pag-aralan para mapaganda ang mga airport sa Pilipinas.

Pero sabi ng Pangulo, hindi naging komprehensibo ang kanilang pag-uusap dahil sa limitadong oras.

 

TAGS: filipino, healthcare workers, london, UK, filipino, healthcare workers, london, UK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.