Sa ilalim ng kasunduan, nangako ang Japan na magbibigay ng 38.2 million yen o katumbas ng nasa P16.4 million para sa state television network.
Sakop ng nasabing grant ang pagbili ng mga programang ipoproduce ng Japanese public network na NHK, na magiging interesante sa mga Pilipinong manonood.
Layon din nitong mas palawigin ang educational at cultural content ng PTV-4, na posible pang lumipat sa digital terrestrial broadcasting.
Matatandaang noong 2014 ay na-adopt na ng Pilipinas ang digital TV standard ng Japan o ang Integrated Services Digital Broadcasting-Terrestrial (ISDB-T).