Comelec kailangan ng dagdag-pondo sa pagkasa ng early voting

By Jan Escosio May 10, 2023 - 06:21 AM

Humingi agad ng karagdagang pondo ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagkasa ng early voting ng mga kuwalipikadong senior citizens, persons with disabilities (PWDs), abogado, at healthcare workers para sa pambansa at lokal na eleksyon,

Kasunod ito nang pag-apruba ng Kamara ng House Bill No. 7556.

Paliwanag ni Comelec spokesman John Rex Laudiangco, naka-“budget” na ang kanilang pondo para sa mga isinumiteng listahan ng mga proyekto at programa.

Idinagdag pa nito na nakasaad sa panukala na ang pondo para sa inisyal na pagpapatupad ng early voting ay huhugutin sa Comelec’s funds are already “itemized” and is just enough for the submitted Projects, Programs, and Activities for this year’s pambansang pondo ngunir hindi ito kasama sa 2023 national budget.

Aniya kailangan din ng pondo para sa gagamiting voting centers dahil maaring ang mga eskuwelahan ay hindi magagamit dahil sa mga klase.

“Ang halalan ay nasa pagitan ng panahon ng pag aaral ng mga estudyante at makakaapekto ang election duties ng mga guro kung mas mahaba ang pagsisilbihan nilang halalan. Maaaring maabala ang pormal na pag aaral ng mga kabataan kung ang karamihan sa mga kanilang guro ay matatali sa election duties ng mas matagal,” paliwanag pa nito.

Kailangan din aniya ng karagdagang pondo para sa karagdagang honoraria ng mas maraming Election Boards dahil madadagdagan ang araw ng kanilang pagsisilbi.

TAGS: Budget, comelec, election, PWDs, senior citizens, Budget, comelec, election, PWDs, senior citizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.