Kaso ni Mary Jane Veloso patuloy na iaapela ni Pangulong Marcos

By Chona Yu May 09, 2023 - 11:26 PM

 

LABUAN BAJO, INDONESIA—Patuloy na ipaglalaban ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”  Marcos Jr. ang kaso ni Mary Jane Veloso, ang overseas Filipino worker na nahatulan ng parusang kamatayan dahil sa kaso ng illegal na droga.

Ayon sa Pangulo, patuloy niyang hihilingan kay Indonesian President Joko Widodo na bigyan ng commutation o pardon extradition si Veloso.

“Well, ganoon pa rin. We haven’t really stopped. Ganito this is the impasse, okay. The impasse is that we continue to ask for a commutation or even a pardon or just extradition back to the Philippines. And that is constantly there,” pahayag ng Pangulo.

Taong 2010 nang hatulan ng kamatayan si Veloso dahil sa drug trafficking.

Nakumpiska kaay Veloso ang 2.6 kilo ng heroin sa Yogyakarta.

“But, the Indonesians answer us and – that this is the law. Ito ‘yung batas dito sa Indonesia kaya’t kailangan natin ipagpatupad ‘yan. And they have already given us postponement of the ano of the…But that doesn’t mean it’s done. I always, I always at least bring it up na baka sakali, baka sakali magbago,” pahayag ng Pangulo.

“Sa ngayon, ganoon ang mga position natin. We said, yes, we understand that she is convicted. We understand that the law in Indonesia is that way. But nonetheless, baka makahanap tayo ng paraan. Iuwi na lang namin ‘yan. Kami na magpaparusa sa kanya, whatever.  Basta’t anyway to ask for clemency, to ask for grace when it comes to this,” dagdag ng Pangulo.

Nasa Indonesia ang Pangulo para dumalo sa 42nd Association of Southeast Asian Summit.

 

TAGS: Asean, bitay, commutation, Ferdinand Marcos Jr., mary jane veloso, news, Radyo Inquirer, Asean, bitay, commutation, Ferdinand Marcos Jr., mary jane veloso, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.