Reorganisasyon sa gabinete, ikakasa ni Pangulong Marcos
LABUAN BAJO, INDONESIA—Magpapatupad ng reorganisasyon sa gabinete si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Pahayag ito ni Pangulong Marcos matapos mapaso ang one year ban para sa mga natalong kandidato sa katatapos na 2022 presidential elections.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa sideline ng Association of Southeast Asian Summit sa Labuan Bajo, Indonesia, sinabi nito na tapos na ang ‘’on the job’’ (OJT) sa lahat ng tao sa gobyerno.
Sabi ng Pangulo, nakita na niya kung sino sa mga miyembro ng gabinete ang nag-perform at sino ang hindi nagtrabaho ng maayos.
“Marami. Talagang gagamitin mo ýung one year. By the end of the first year magiging maliwanag in the sense na tapos na ‘yung OJT ng lahat ng tao. We’ve seen who performs well and who is—will be important to what we are doing,” pahayag ng Pangulo.
“So, yes, there’s still going to be…I don’t know about “reshuffle,” pero reorganization sa gabinete,” pahayag ng Pangulo.
Kabilang sa mga bakanteng puwesto ngayon ang Department of Health, Department of National Defense at Department of Agriculture.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.