Itinakda ni Senador Jinggoy Estrada sa darating na Lunes, Mayo 15, ang pagdinig tungkol sa panukalang magpatupad ng reporma sa pensyon ng mga military at uniformed personnel (MUP).
Aminado si Estrada na masalimuot ang naturang panukala pero kailangan na itong aksyunan para mapigil ang tinukoy ni Finance Sec. Benjamin Diokno na patuloy na paglobo ng gastos ng pamahalaan para sa pensyon ng mga MUP at ang posibleng pagkakaroon ng fiscal collapse mula dito.
Una na ring sinabi ni Diokno na tinatayang aabot sa higit P848 billions ang gagastusin taun-taon ng gobyerno sa susunod na 20 taon kung magpapatuloy ang kasalukuyang pension system ng mga MUP.
Sinabi naman ni Estrada na dahil kumplikado ang panukala, malabong maihabol ito bago ang sine die adjournment ng Senado o bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. sa Hulyo.
Pahabol lang ng senador posible naman na bago matapos ang taon ay maipasa ito.