Pinaulanan ng mga bala ng isang armadong grupo ang convoy ng ilang ASEAN diplomats sa Taunggyi, Shan State sa Myanmar.
Nabatid na nasa biyahe ang ilang sasakyan nang maganap ang insidente.
Nasa mga sasakyan ang mga diplomats mula sa Indonesia at Singapore embassies, gayundin ang mga opisyal na kabilang sa pagsasagawa ng humanitarian relief mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Wala naman nasaktan sa mga diplomats at opisyal, base sa mga ulat.
Nagsimula ang kaguluhan sa Myanmar matapos mapatalsik si Aung San Suu Kyi noong Pebrero 21 sa pamamagitan ng kudeta ng militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.