Heat index monitoring ng PAGASA nais mapagbago ni Sen. Mark Villar

By Jan Escosio May 09, 2023 - 12:07 PM

Hiniling ni Senator Mark Villar na mapag-aralan at mabusisi ang heat index monitoring and warning systems ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Paliwanag ni Villar sa paghain niya ng Senate Resolution No. 590 nais na mapalakas at mapatatag pa ang kasalukuyang sistema sa layon na matulad ito sa ibang alert systems na ginagamit sa tuwing may kalamidad.

“Ako po ay naghain ng resolution dahil sa mga ulat na nakarating sa atin na mayroong insidente kung saan 120 na mag-aaral ang dinala sa mga ospital sa Laguna matapos silang mahilo habang isinasagawa ang fire drill sa kanilang paaralan sa Cabuyao City. Isa pa dito ang isang insidente na nangyari kamakailan lamang sa isang pagdiriwang sa Taytay, Palawan na siyamnapu ang nahilo’t hinimatay dahil sa sobrang init,” aniya.

Gusto din niya na maipaliwanag ang epekto ng sobrang taas ng temperatura sa kalusugan, maging sa ekonomiya dahil apektado din ang sektor ng agrikultura.

“Dapat magbigay din ng warning ang PAGASA for instances na sobrang init na sa mga lugar dito sa Pilipinas. By providing our countrymen with sufficient and early information through text messages and other technologies we can save lives and prevent any other heat-related incidents to occur. Kung meron tayo sa bagyo, mas dapat meron for heat index,” sabi pa ng senador.

Dagdag pa niya: “Sa pagkakaroon ng mas malawak at epektibong sistema sa pagbabantay at pag bibigay kaalaman ng antas ng init sa Pilipinas, inaasahang mapapangalagaan ng mas maayos ang kalusugan ng publiko. Bukod dito, maaaring maiwasan ang maaaring negatibong epekto nito sa ekonomiya at sa social welfare ng bansa.”

TAGS: Alert, heat index, Pagasa, Alert, heat index, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.