NHCP uusisain ni Ejercito sa pagkakalipat ng mga bantayog ng bayani sa San Juan City
Sa labis niyang pagkadismaya, hihingiin ni Senator JV Ejercito ang paliwanag ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ukol sa paglilipat ng mga bantayog ng mga bayani sa San Juan City.
Aniya maituturing na pambansang-isyu ang ginawa ng pamahalaang-lungsod ng San Juan dahil pambansang bayani sina Gat Jose Rizal, Gat Andres Bonifacio at Gen. Emilio Jacinto.
Inilipat ang bantayog ng tatlong bayani sa Pinaglaban Shrine Complex mula sa Pinaglabanan street at Plaza Mayor.
“This is a national issue because this pertains to our national heroes, our source of pride and patriotism. We have to preserve our historic sites and give importance to history,” diin ng senador, na nagsilbing alkalde ng lungsod ng ilang taon.
Pagpapa-alala pa ni Ejercito, sina Bonifacio at Jacinto ang namuno sa Battle of San Juan del Monte, ang unang digmaan sa Philippine Revolution noong Agosto 30, 1896.
Katuwiran niya, inilagay ang mga bantayog upang makita ng publiko at paalala sa mga kabayanihan ng mga ito sa paglaban ng bansa para sa kalayaan.
“It’s our humble contribution to strengthen patriotism, na palakasin ang ating pagmamahal sa Bayan, lalo na sa ating mga kabataan, na malaman nila yung pinaghirapan, yung sinakripisyo, yung dugo, pawis, at buhay na ibinigay ng ating mga bayani para makamtan ang kalayaan,” diin nito.
Ikinukunsidera na ni Ejercito ang paghahain ng resolusyon para maimbestigahan ng Senado ang paglipat sa mga bantayog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.