Courtesy resignation ng 2 police generals tinanggap ni PBBM

By Chona Yu May 09, 2023 - 11:03 AM

OP PHOTO

Tinanggap na ni Pangulong  Marcos Jr. ang courtesy resignation ng dalawang police generals.

Ayon sa Pangulo, mayroon pang 30 pulis ang sumasailalim sa imbestigasyon dahil sa pagkakadawit sa ilegal na droga. Sabi ng Pangulo, pinag-aaralan pa ito kung kakasuhan o sususpendihin. Una rito, inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) sa National Police Commission (Napolcom) na tanggapin na ang pagbibitiw ng dalawang police general at dalawang colonels. Sa kabila nito, tiniyak naman ng Pangulo na marami pa ring mga pulis ang matitino at maayos na nagbibigay serbisyo.

TAGS: courtesy resignation, DILG, Napolcom, PNP, courtesy resignation, DILG, Napolcom, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.