Arestado ang apat na suspek sa isang anti-drug operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City kung saan nasamsam ang mahigit isang kilong shabu.
Base sa imbestigasyon ng NBI, ang modus ng mga suspek ay ang isilid ang mga pakete ng droga sa loob ng mga tsinelas o kaya ay sa mga balot ng tsitsirya para madala sa ibang lugar.
Umaabot rin umano ang kanilang bentahan sa Zamboanga hanggang Malaysia.
Kabuuang 35 pakete ng shabu ang nasabat sa condominium unit ng mga suspek, pati na ang isang timbangan, mga tsinelas, balot ng tsitsirya at mga pera kabilang na ang ilang Malaysian ringgit.
Tinukoy ng NBI ang mga suspek na sina Manik Halis, Enjom Jainoddim at ang kapatid niyang si Miam, pati na rin ang asawa niyang si John.
Anim na buwang minanmanan ng mga otoridad ang mga suspek bago isinagawa ang operasyon na ginanap Linggo ng umaga.