Bilang ng bagong COVID 19 cases tumaas ng higit 100%

By Jan Escosio May 08, 2023 - 07:23 PM

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawa ng COVID 19 sa bansa, base sa impormasyon mula sa Department of Health (DOH).

Mula Mayo 1 hanggang Mayo 7, may naitalang 9,465 bagong COVID 19 cases sa Pilipinas kayat ang bagong average daily case ay pumalo sa 1,352.

Mataas ito ng 112 porsiyento kumpara sa bilang na naitala noong sinundan na anim na araw o Abril 24 hanggang 30.

Sa mga bagong kaso, 50 ang malubha ang kondisyon.

May nadagdag naman na siyam sa bilang ng mga namatay dahil sa naturang sakit, ngunit wala nitong nakalipas na 12 araw.

Bunga nito, pinayuhan ng DOH ang publiko na istriktong sumunod sa protocols alinsundod sa umiiral na alert levels.

 

TAGS: COVID-19, doh, COVID-19, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.