Ilang cabinet secretaries “no show,” Senate hearing sa sugar importation ipinagpaliban

SENATE PRIB PHOTO

Muling hindi natuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa sinasabing smuggling ng 440,000 metriko tonelada ng asukal noong Pebrero.

Minabuti ni Sen. Francis Tolentino, ang namumuno sa komite, na ipagpaliban na lamang muli ang pagdinig dahil ilan sa mga miyembro ng komite, na napakahalaga ang paliwanag sa isyu, ay hindi nakadalo.

Ipinaliwanag ni Tolentino na base sa Article 2 ng Committee rules, maaring maipagpaliban ang pagdinig kung wala ang “vital witnesses.”

Sinabi ni Executive Sec. Lucas Bersamin, sina Trade Sec. Alfredo Pascual, National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan, gayundin si Senior Usec. Domingo Panganiban Jr., ay pawang nasa ibang bansa para sa “official trips.”

Wala din si dating Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator David John Alba.

Ayon kay Bersamin nakakatiyak siya na kung nasa bansa lamang ang mga naturang opisyal ay haharap ang mga ito sa pagdinig.

Magugunita na sa pamamagitan ng resolusyon ay kinuwestiyon ni Sen. Risa Hontiveros ang pagkakapili  All Asian Countertade Inc., Sucden Philippines at Edison Lee Marketing Corp., sa pag-aangkat ng asukal.

Ibinunyag pa ni Hontiveros na may 440,000 metriko tonelada ng imported sugar ang naipasok sa bansa bago pa man mailabas ang Sugar Order No.6

 

Read more...