Higit 1,000 biktima ng human trafficking nailigtas sa Pampanga

By Jan Escosio May 08, 2023 - 06:33 PM

DOJ PHOTO

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng ibat-ibang ahensiya ang Clark Sun Valley  Hub Corporation sa Mabalacat, Pampanga at nailigtas ang higit 1,000 pinaniniwalaang biktima ng human trafficking.

Base sa impormasyon mula sa Department of Justice (DOJ) ikinasa ang operasyon base sa search warrant na inisyu ng isang korte sa Malolos City, Bulacan dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.

Pinangunahan ng mga tauhan ng PNP-Anti Cybercrime Group ang operasyon base sa impormasyon na ang korporasyon ay sangkot sa illegal crypto currency trading.

Nabatid na ang mga biktima ay mula sa China, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Nepal, Taiwan, Thailand at Vietnam.

Hindi bababa sa 12 naman ang hinuli na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato.

 

TAGS: cryptocurrency, DOJ, trafficking, cryptocurrency, DOJ, trafficking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.