Kaso ng 2 police generals dahil sa “drug links” inihahanda na ng Napolcom

DILG PHOTO

Naghahanda na ang  National Police Commission (Napolcom) sa pagsasampa ng mga kaso laban sa apat na matataas na opisyal ng pambansang pulisya.

Ito ang sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos at aniya inumpisahan na ang pag-aaral sa mga nakalap na ebidensiya na pagbabasehan ng mga kasong isasampa laban sa dalawang heneral at dalawang colonel.

Ayon pa kay Abalos ginagawa nila ang hakbang kasabay nang pagtanggap ng courtesy resignation na isinumite ng mga opisyal at para na rin matiyak na wala silang makukuhang benepisyo sa pagbitiw nila sa serbisyo.

May 956 senior police officers ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng paglilinis sa pambansang-pulisya ng mga tiwali, lalo na ang mga may kinalaman sa droga.

Nabatid na inirekomenda na ng binuong advisory group kay Pangulong Marcos Jr., na tanggapin ang courtesy resignation ng apat.

Inirekomenda din ang hindi pagtanggap sa courtesy resignation ng 917 opisyal at ang pag-iimbestiga pa sa 32 iba pa.

 

 

 

Read more...