Pagdinig sa hirit ni de Lima na makapag-piyansa ipinagpaliban
Ipinagpaliban ng isang korte sa Muntinlupa City ang pagdedesisyon sa petisyon ni dating Senator Leila de Lima na makapag-piyansa.
Bunsod ito ng isyu sa pagmamarka ng ebidensiya sa bahagi ng prosekusyon.
Nakatakdang maglabas ng desisyon ng Regional Trial Court (RTC) Branch 256, na dumidinig sa Case 17-167, ngayon araw at dumalo pa si de Lima.
Ayon kay Boni Tacardon, ang abogado ni de Lima, inamin ng panig ng prosekusyon na nagkamali sila sa pagmarka sa ebidensiya.
Aniya nakipagkasundo sila na ayusin muna ang pagmamarla sa mga dokumento.
“Dahil nga ito’y isang importante bago ma-resolve ‘yung kanilang formal offer of evidence, hindi muna nakapaglabas ng ruling ang hukuman tungkol sa petition for bail,” sabi pa ni Tacardon.
Ang petisyon ay inihain noon pang Disyembre 2020.
Samantala, sa darating na Biyernes, nakatakdang magdesisyon ang Muntinlupa RTC Branch 204 sa case 17-165 na kinahaharap din ng dating senadora at dating kalihim ng Justice Department.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.