Chiz: Ginasta sa COVID 19 dapat nang isapubliko

Nararapat lang na maisapubliko na ang totoong halaga na ginasta ng gobyerno para sa COVID 19 vaccines. Sinabi ito ni Sen. Francis Escudero kasunod ng deklarasyon ng  World Health Organization’s (WHO) na tapos na ang global health emergency dulot ng 2019 coronavirus. Ngunit diin lang ng senador ang dapat na magpatuloy ay ang paghahabol sa hustisya sa mga nagsamantala sa pondo sa pamamagitan ng pagbili ng “overpriced medical supplies” tulad ng face masks. “We owe it to our  medical frontliners who were  among our 66,444 Covid dead to make those who robbed the nation blind while people were dying to pay for their crimes,“ ani Escudero. Diin niya hindi dapat magka-amnesia sa mga maling nagawa ngayon ipinapalagay na tapos ang tinawag niyang “pandemic war.” “Hindi ko sinasabi na may mali o anomalya. Ang gusto lang natin ay sa ngalan ng transparency magkaroon ng malinaw na kwenta kung magkano nga talaga ang ginastos,” paglilinaw ng senador. Dagdag pa niya kung mapapatunayan na ang presyo ng mga bakuna ay mababa at nakatipid ang gobyerno, nararapat lamang ng parangalan ang mga dumiskarte. Aniya hindi makakapagtago habambuhay ang gobyerno sa “non disclosure agreement” sa vaccine manufacturers kayat dapat mailabas na ang mga resibo ng mga biniling bakuna.

Read more...