Digitized textbooks para sa mga public school students hiniling ni Estrada
Para magkaroon ng katuparan ang mithiin na 1:1 textbook-student ratio, isinusulong ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada na magkaroon ng digital copies ang lahat textbook at reference books sa mga pampublikong paraalan sa elementarya at secondary levels.
“Kung pipilitin natin na mabigyan ng sapat na bilang ng libro ang bawat mag-aaral sa mga pampublikong paaralan, matatagalan pa ito. Ang pagkakaroon ng digital copies na maa-access nila gamit ang internet ang tanging paraan na nakikita ko upang magutunan ang kanilang pangangailangan,” paliwanag ni Estrada sa inihain niyang Senate Bill No. 2075.
Sa panukalang Philippine Online Library Act, layon nitong magtatag ng Philippine Online Library na magsisilbing repository ng lahat ng digitized copies ng textbooks at reference materials na ginagamit ng mga mag-aaral sa public elementary at secondary levels.
“Kung ang mga ito ay available na online, makakadagdag ito sa mga kasalukuyang silid-aklatan ng mga paaralan maging ng mga local government units sa buong bansa at makakatulong din sa mga guro at mag-aaral lalo na sa mga gumagamit ngayon ng iba’t ibang paraan ng pag-aaral,” dagdag pa ng senador.
Layon din nito aniya na mapunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at guro, ang pagkakaroon ng database ay magiging kapaki-pakinabang sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon,.
Nakasaad sa panukala na itatalaga sa Department of Education (DepEd) ang paggawa ng mga digitized copies ng lahat ng textbook at reference books ng mga mag-aaral sa public elementary at secondary levels.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.