Malinis na tubig para sa lahat pinatitiyak ni Revilla sa gobyerno

By Jan Escosio May 05, 2023 - 04:24 PM

Dapat matiyak ng gobyerno ang malinis at murang tubig para sa lahat ng consumers.

Ito ang binigyang-diin ni Senator Ramon Revilla Jr sa kanyang pagsuporta sa Executive Order 22 ni Pangulong  Marcos Jr. para sa pagbuo ng Water Resource Management Office.

Sinabi ni Revilla na napapanahon ang pagbuo ng tanggapan habang patuloy pa ang pagbusisi sa panukala sa Senado para sa paglikha ng water regulatory commission sa gitna na rin ng nakaambang krisis sa tubig sa panahon ng tag-init.

Banggit ng senador, sa 109 milyong Filipino, nasa 57 milyon ang sumusugal sa hindi tiyak kung malinis ang tubig ang kanilang ginagamit at nasa 11 milyon naman ang wala talagang mapagkukunan ng ligtas na inuming tubig sa pang-araw-araw nilang buhay.

Dahil dito, nais ni Revilla na magkaroon ng polisiya para sa water supply at isaayos ang organizational functions at responsibilities ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, National Water Resources Board at Local Water Utilities Administration sa iisang komisyon.

Ang panukala ay naglalayong isailalim ang iba’t-ibang economic at administrative regulation ng mga water utilities sa iisang komisyon, upang maiwasan ang sapawan at maihatid ng maayos ang serbisyo.

TAGS: board, malinis, water, board, malinis, water

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.