DOH pinaghahanda ang mga ospital sa COVID 19 surge

By Jan Escosio May 05, 2023 - 02:11 PM

Inabisuhan na ng Department of Health (DOH) ang mga ospital na maghanda dahil sa lumulubong bilang ng mga nahahawa ng COVID 19.

Ngunit, paalala ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire walang dahilan para mag-panic ang publiko dahil karamihan naman sa mga bagong tinamaan ng COVID 19 ay asymptomatic o nakakaranas lamang ng mild symptoms.

“We have advised our hospitals to be prepared so that when there are additional admissions, they will be prepared at meron tayong additional COVID-19 beds. So yung COVID-19 wards, nandoon naman talaga at hindi siya isinara,” ani Vergeire.

Huli niyang ibinahagi na siyam na porsiyento sa mga may taglay ng naturang sakit ang kritikal.

Samantala, 20 porsiyento lamang ng kabuuang bilang ng pasilidad para sa COVID 19 patients sa buong bansa ang okupado.

 

TAGS: asymptomatic, COVID-19, doh, HOSPITALS, asymptomatic, COVID-19, doh, HOSPITALS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.