Las Piñas City College – College of Engineering Building itatayo na
Sisimulan na ng pamahalaang-lungsod ng Las Piñas ang konstruksiyon ng bagong gusali ng Las Piñas City College of Engineering-Nene Aguilar Campus sa Barangay Talon Dos, sa lungsod.
Nabatid na noong nakaraang Martes, Mayo 2, isinagawa na ang ground breaking ceremony sa pangunguna ni Mayor Imelda “Mel” T. Aguilar kasama ang anak na si Vice Mayor April Aguilar.
Ayon kay Mayor Aguilar ang pagpapatayo ng isang 10-palapag na gusali ay bahagi ng kanilang programang pang-edukasyon, na kabilang sa pinaka-prayoridad ng kanyang pamumuno.
Dagdag pa ng opisyal, ang proyekto ay para na rin patuloy na makakuha ng de-kalidad na libreng edukasyon ang mga kabataang Las Piñeros.
Maisasakatuparan aniya ang proyekto sa tulong at pagpupursige na rin ng nakakabatang Aguilar at ng pinamumunuan niyang Sangguniang-Panglungsod, na siyang naglaan ng pondo para sa konstruksyon ng gusali.
Pagbabahagi din ng alkalde na 4,000 scholars ng lungsod ang makikinabang sa libreng pag-aaral sa City College of Engineering, na ipinangako niya na moderno ang mga pasilidad.
Kayat tiwala siya na sa pamamagitan ng kolehiyo, magkakaroon ng mga mahuhusay na inhinyerong Las Piñeros sa mga darating na taon na magbibigay karangalan at tagumpay sa lungsod.
Bukod sa mag-inang Aguilar, dumalo din sa naturang groundbreaking ceremony sina Couns. Danilo Hernandez, Mark Santos, Peewee Aguilar, Lord Aguilar, Florante Dela Cruz, Henry Medina, Roberto Cristobal, Rachelle Dela Peña, department heads at si DFCAM-CLP President Ramoncito Jimenez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.