Pang-aabuso sa Duterte “war on drugs” inamin ni Pangulong Marcos Jr.

By Chona Yu May 05, 2023 - 09:52 AM

Inamin ni Pangulong Marcos Jr. na may  pang-aabuso sa anti drug war campaign sa administrasyon ni dating Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, tumutok kasi sa law enforcement noon ang anti drug war campaign.

Pero paglilinaw ng Pangulo, wala siya sa posisyon na magbigay ng assessment sa naging operasyon ng nakaraang administrasyon.

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na lalo pang lumakas ang mga sindikato ng illegal na droga, yumaman at naging mas maimpluwensya pa ang mga drug personalities.

Sabi ng Pangulo, sa halip na tugisin ang bawat isa, mas makabubuting buwagin na muna ang mga sindikato.

Katunayan, sinabi ng Pangulo na pinagbitiw niya ang lahat ng mga pulis na may ranggong colonel pataas para mabatid kung sino sa kanila ang sangkot sa illegal na droga.

Tinutukan din aniya ng kanyang administrasyo ngayon ang rehabilitasyon para sa mga naging adik sa illegal na droga.

TAGS: abuse, anti drug, duterte, abuse, anti drug, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.