Pangulong Marcos Jr., sinabing hindi sapul sa patutsada ng China
Washington, D.C.-Hindi tinamaan si Pangulong Marcos Jr. sa pahayag ng China na hindi dapat na makialam ang ibang bansa sa usapin sa Taiwan.
Tugon ito ni Pangulong Marcos sa pahayag ng China na hindi dapat na makialam ang alinmang bansa kaugnay sa bilateral defense guidelines na inilatag ng Pilipinas at Amerika sa South China Sea.
Pakiramdam ng Pangulo, hindi ang Pilpinas ang sinasabihan ng China kundi ang Amerika.
Nilagdaan ang naturang kasunduan para gawing modern ang alliance cooperation ng dalawang bansa at mapalakas pa ang depensa sa Indo-Pacific region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.