$1.3-B pledges nasungkit ni PBBM sa US visit

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE PHOTO

Nasa USD 1.3 bilyong business pledges ang naiuwi ni Pangulong Marcos Jr. mula sa limang araw na official visit sa Washington.

Ayon sa Pangulo, nangangahulugan ito ng 6,700 na bagong trabaho sa Pilipinas.

Sabi pa ng Pangulo, ang mga bagong pamumuhunan ay makatutulong para makarekober ang ekonomiya ng Pilipinas na  pinadapa ng pandemya sa COVID-19.

Umaasa ang Pangulo na mas marami pang Amerikanong negosyante ang mahihikayat na maglagak ng negosyo sa Pilipinas.

Nakatutuwa aniya na patuloy na lumalakasang tiwala at kumpiyansa ng mga negosyante na mamuhunan sa  Pilipinas.

Matatandaang ilang Amerikanong kompanya ang magnenegosyo sa Pilipinas. Halimbawa na ang kompanyang vaccine manufacturer na Moderna, BPO company at iba pa.

Read more...