Hirit na sundalong Pinoy sa Taiwan aayawan ni PBBM Jr.

By Chona Yu May 05, 2023 - 09:14 AM

PCO PHOTO

Kahit hilingin pa ng Amerika, hindi magpapadala ang Pilipinas ng mga Filipinong sundalo sakaling tumaas ang tensyon sa Taiwan.

Pahayag ito ng Pangulo nang tanungin kung hiniling ba ng Amerika na magpadala ng mga Filipinong sundalo sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng Amerika at China dahil sa Taiwan.

“No. The short answer is no,” pahayag ng Pangulo.

Nagkasundo na sina Pangulong Marcos at US President Joe Biden na panatilihin ang kapayapaan at stability sa Taiwan Strait.

Tiniyak pa ng Pangulo na hindi rin magagamit bilang staging post sa ano mang uri ng military action ang apat na lugar na idinagdag sa Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Layunin aniya ng EDCA sites na mapaigting ang calamity response at climate change gaya ng nangyaring supertyphoon Yolanda na tumama sa Leyte noong 2013.

TAGS: AFP, China, Taiwan, US, AFP, China, Taiwan, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.