Red-tape cut sa Pilipinas ibinida ni Pangulong Marcos Jr., sa US

By Chona Yu May 05, 2023 - 09:06 AM
Washington, D. C–Nagtagumpay ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa pagsasagawa ng  streamlining sa permitting processes. Ito ang Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa harap ng mga negosyanteng Amerikano. Pagtitiyak ng Pangulo, tinutugunan na ng pamahalaan ang  red tape at i- digitalize ang bureaucratic processes. “They have done a very good job. They have reduced some of the permitting procedures from — for different industries from several months to just a few days,” pahayag ng Pangulo. “I really am confident that the authority, if it’s continued — if it can continue its work and if it is — it is well supported by legislation, by the bureaucratic procedures, we can cut down many of those unnecessary regulatory documentary requirements, ” dagdag ng Pangulo. Natuwa naman ang mga Amerikanong negosyante sa mga elemento na nakapaloob sa  Anti-Red Tape Law at kung paano mapabilis ang foreign direct investment (FDI) at negosyo sa Pilipinas. Isang hamon na lang ayon sa Pangulo ay kung paano makikipag kompetensya ang Pilipinas sa ibang bansa. Hindi naiwasan ni Pangulong Marcos na humanga sa ibang bansa na natatapos ang pag proseso sa dokumento sa loob lamang ng 24 oras.

TAGS: ARTA, negosyante, red tape, ARTA, negosyante, red tape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.