Pangulong Marcos Jr., nagbigay pugay sa mga sundalong Amerikano

By Chona Yu May 05, 2023 - 06:51 AM
Virginia USA – Nagbigay pugay si Pangulong  Marcos Jr. sa mga nasawing Amerikanong Sundalo sa Arlington National Cemetery sa Virginia. Nag-alay ng bulaklak ang Pangulo sa Tomb of the Unknown Soldier na isang makasaysayang bantayog para sa mga sundalo ng nasawi sa giyera na hindi natagpuan o nakilala. Binigyan din ng tour ang Pangulo sa museum. Ginawa ng Pangulo ang pagbisita sa kilalang sementeryo sa Amerika matapos ang sunod-sunod na  high-level dialogues. Matatandaang nakipagpulong din si Pangulong Marcos  kina US President Joseph Biden at US Vice President Kamala Harris. Nasa Amerika ang Pangulo para sa limang araw na official visit.

TAGS: soldier, US, Virginia, soldier, US, Virginia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.