“Cong Dadong” Awards iginawad sa apat na Lubenians
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Iginawad sa apat na indibiduwal ang natatanging pagkilala sa 6th President Diosdado Macapagal “Cong Dadong” Awards for Outstanding Lubenians sa Royce Hotel and Casino.
Pinangunahan ni Mayor Esmeralda Pineda ang pagbibigay ng mga plake at tropeo sa awardees, na eksperto sa larangan ng edukasyon, agrikultura at culture and arts.
Ang apat na awardess ngayon taon ay sina Alejandro S. Pangan (Agriculture), Marina M. Gamido (Education), at Rodrigo D. Torres at Sergio Y. Carreon (Special Awardees for Culture and the Arts).
Kinilala si Pangan sa pagiging aktibo nito sa mga grupo ng mga magsasaka at mangingisda. Siya ay nagsilbing barangay kagawad na ipinaglaban ang kapakanan ng mga magsasaka.
Binigyan pagkilala si Gamido sa kanyang mga tagumpay sa larangan ng edukasyon, Siya ay mula sa mahirap na pamilya, itinaguyod ang sariling pag-aaral maging ng kanyang mga kapatid sa pamamagitan ng pagiging working student.
Samantala, ang pagkilal naman kina Torres at Carreon ay bunga ng paglikha ng “Imno ning Lubao” ang official hymn ng Lubao noong 2022.
Sinabi ni Pineda na natatangi at karapatdapat ang pagkilala sa apat, na dumaan sa masusing “screening process’ sa pangunguna ni Municipal Administrator Elizalde Bernal.
Ang Cong Dadong Awards ay bahagi ng taunang Sampaguita Festival ng bayan,