Nanlaban! Utak sa ambush kay LDS Gov. Adiong Jr., napatay

Hindi na nagpahuli ng buhay sa mga awtoridad ang sinasabing utak sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr.

Ayon kay Police Col. Robert Daculan, Lanao del Sur police director, nanlaban si Oscar Tacmar Gandawali nang matunton ng mga pulis at sundalo ang kanyang safehouse sa Barangay Pilimoknan sa bayan ng Maguing.

Nasugatan naman sina Army Staff Sgt. Michael Angelo Virecio at Punong Barangay Gamon Manonggiring.

Aniya papalapit na ang mga pulis para isilbi ang walong warrant of arrest nang paputukan ang mga ito ni Gandawali.

Nakatakas naman ang mga kasama ni Gandawali. Nasamsam sa safehouse ang ilang baril, bala, droga at drug paraphernalia.

Magugunita na noong Pebrero 17 nang tambangan si Adiong sa Maguing, na nagresulta sa pagkamatay ng kanyang tatlong police escorts at driver.

Nasugatan sa insidente ang gobernador.

Itinuturo din si Gandawali na responsable sa pagpatay sa limang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Kapai, Lanao del Sur noong October 2018.

 

Read more...