Duty-free privileges inihirit ni Pangulong Marcos Jr.

By Chona Yu May 04, 2023 - 02:49 PM

Washington, D.C-Nanawagan si Pangulong  Marcos Jr. na muling pahintulutan ang Generalized System of Preferences para ma-enjoy ng Pilipinas ang duty-free privileges sa ilang mga iniaangkat na produkto.

Ginawa ng Pangulo ang apila sa forum na  inorganisa ng US-ASEAN Business Council at US Chamber of Commerce sa Blair House sa Washington.

Ayon sa Pangulo, dalawang taon nang tapos ang GSP program kung kaya napapanahon na bigyan ito ng reauthorization para mapalakas ang kalakan at gawing competitive ang produkto ng Amerika sa Pilipinas.

Hinimok niya ang mga Amerikanong negosyante na maglagak ng negosyo sa bansa lalo’t pumalo sa 7.6 percent ang economic growth noong nakaraang taon.

Epekto aniya ito ng agresibong hakbang ng gobyerno oara mailako ang Pilipinas bilang isang investment destination.

Kasama sa pulong ang mga Filipino tycoons gaya nina Jaime Zobel de Ayala, Enrique Razon, Tessie Sy Coson at Kevin Tan.

TAGS: economy, gdp, traders, US, economy, gdp, traders, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.