Ople umaasa na magtatalaga ang UN ng safe zones sa Sudan
Washington, D.C.—Umaasa si Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople na maglalagay ng safe zones ang United Nations para sa mga indibidwal na naiipit sa gulo na nais nang lumikas sa Sudan.
Ayon kay Ople, sa ngayon, marami sa mga Filipino ang gusto nang umalis sa Sudan habang ang iba ay piniling manatili roon.
Sabi ni Ople, umaasa pa ang ilang Filipino sa Sudan na huhupaang sitwasyon.
Pag-amin ni Ople, hindi naman mapipilit ng pamahalaan ang mga Filipino na umalis sa Sudan dahil personal na desisyon na ito.
Sa ngayon, sinabi ni Ople na nakatutuwa na nagpahayag na ng kahandaan ang UN na umaksyon sa gulo.
Sabi ng kalihim, sana ay maglagay ng humanitarian corridors ang UN para masigurpong ligtas ang paglilikas sa mga Filipino.
Nagkakagulo sa Sudan ngayon dahil sa power struggle ng dalawang paksyon sa militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.