Pagbisita sa Bilibid ipinagbawal dahil sa COVID 19

By Jan Escosio May 04, 2023 - 09:51 AM
Pansamantalang sinuspindi muli ng  Bureau of Corrections (BuCor) ang pagbisita sa mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City at sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City dahil sa COVID 19. “All visitation inside the NBP and CIW prison camp facilities are hereby cancelled effective immediately until further notice,” ang post sa official Facebook account ng BuCor.

Inabisuhan na lamang ang mga kaanak ng mga persons deprived of liberty (PDL) na makipag-ugnayan sa Inmate Visitation Service Unit ng NBP-Maximum-Security Compound at CIW Mandaluyong.

Hindi naman nabanggit sa social media post kung ilang bilanggo ang nahawa ng COVID 19.

Kahapon ay kinansela ang isang pagtitipon sa pambansang-piitan ng walang ibinigay na kadahilanan ang pamunuan ng BuCor.

Magugunita na sinuspindi ang pagbisita sa mga bilanggo sa kasagsagan ng pandemya noong 2020 at noong nakaraang taon lamang unti-unti ibinalik ang pribilehiyo.

TAGS: Bilibid, bucor, COVID-19, Bilibid, bucor, COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.