Resulta ng pag-iimbestiga sa 4 PNP generals, colonels ilalabas na – Abalos

Anumang araw ngayon linggo ay isasapubliko na ang resulta ng pag-iimbestiga sa apat na matataas na opisyal ng pambansang-pulisya ukol sa sinasabing kaugnayan nila sa droga. Sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos na maaring sa loob ng dalawang araw ay ipapaalam na nila ang isinagawang imbestigasyon sa dalawang police generals at dalawang police colonels. Aniya pina-plantsa na lamang nila ang mga detalye upang hindi mahanapan ng butas ang resulta ng imbestigasyon. Nabanggit na rin ni dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., na may rekomendasyon na sampahan ng mga kaso ang mga hindi pa kinilalang opisyal. Dagdag pa nito, kabilang ang apat sa 36 anim na opisyal na sinusuri ng National Police Commission (Napolcom). Bumuo ng Napolcom Task Force upang siyasatin ang sinasabing “cover up” sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu, na may halagang P6.7 bilyon, mula sa mga operasyon laban kay dating Police Sgt. Rodolfo Mayo.

Read more...