Apat na rehiyon sa Luzon ang nakaramdam sa Magnitude 5.8 earthquake.
Sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, alas-8:49 ngayon umaga nang maitala ang lindol sa distansiyang 42 kilometro ng dagat na sakop ng Maconacon, Isabela. Ito ay naramdaman ng Intensity V sa Penablanca, Enrile, and Tuguegarao City sa Cagayan. Intensity IV – City of Batac, Ilocos Norte. Intensity II – Pasuquin, Bacarra, at City of Laoag, Ilocos Norte. Ang naitalang instrumental Intensities: Intensity V – Penablanca, Cagayan Intensity IV – Gonzaga, Cagayan Intensity III – Ilagan, Isabela Intensity II – Casiguran, Aurora; Pasuquin, Laoag City, Batac, Ilocos Norte; Vigan City, Ilocos Sur; Santiago City, Isabela; Tabuk, Kalinga; Madella, Quirino. Intensity I – Bangued, Abra; Diapaculao, Baler, Aurora; Narvacan, Ilocos Sur; Bayombong, Nueva Vizcaya. Ayon sa Phivolcs asahan na ang pagkakaroon ng aftershocks at wala naman banta ng tsunami.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.