Metro Manila COVID 19 positivity rate umangat sa 18.8%

By Jan Escosio May 03, 2023 - 06:13 PM

Umakyat sa 18.8 porsiyento ang bilis ng mga nahahawa ng COVID 19 sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research group.

Ibinahagi ni OCTA fellow Guido David ang ulat na ang weekly positivity rate sa Kalakhang Maynila sa nakalipas na isang linggo o hanggang noong Mayo 1 ay nadagdagan ng 7.1 porsiyento mula sa 11.7 porsiyento noong Abril 24.

Sa kanyang unang pagtataya, sinabi ni David na maaring umabot pa sa 20 porsiyento ang positivity rate sa National Capital Region.

Base sa huling case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH), mas mataas ng 42 porsiyento ang naitalang average 637 daily cases hanggang noong Mayo 1 kumpara sa naitala sa sinundan na anim na araw.

Ayon pa sa kagawaran ang average daily cases sa bansa ay maaring hindi bumaba sa 600 hanggang sa susunod na buwan.

 

TAGS: COVID-19, doh, OCTA, positivity rate, COVID-19, doh, OCTA, positivity rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.