Angara: P1-B hirit ng MIAA para sa NAIA power isama sa 2024 budget

By Jan Escosio May 03, 2023 - 11:47 AM

Sinabi ni Senator Sonny Angara na ang hinihinging P1 bilyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) para sa suplay ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ay maaring maisama sa pambansang pondo sa susunod na taon.

Aniya napakahalagang imprastraktura ng paliparan kayat nararapat na isama ito sa 2024 National Expenditure Program (NEP) ng administrasyon.

May panahon pa ang Department of Budget and Management (DBM),  ayon sa namumuno sa Senate Committee on Finance,para gawin ito dahil ang pagsusumite ng NEP ay pagkatapos ng State of the Nationa Address (SONA) ng Punong Ehekutibo.

Paliwanag pa ng senador maari din mapaglaanan ng supplemental budget ang nais ng MIAA kung talagang kailangan na kailangan na ito.

Maari din humugot ang administrasyon sa kanilang “savings.”

TAGS: DBM, MIAA, NAIA, national budget, power, DBM, MIAA, NAIA, national budget, power

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.