500 tahanan, naabo sa Isabela, Basilan
Dobleng dagok ang naranasan ng mga residente ng Isabela City, Basilan nang nagkasunog sa dalawang barangay Sabado ng umaga at binaha naman ang lungsod Linggo ng umaga.
Mahigit limang daang bahay sa isang residential area sa Kaumpurnah Zones 2 at 3 ang naabo noong Sabado na nagsimula alas-11:20 ng ng umaga.
Makalipas lamang ang tatlong oras bago tuluyang naapula ang sunog.
Iniimbistigahan pa hanggang sa kasalukuyan ang sanhi ng apoy.
Karamihan sa mga nabiktima ng sunog ay mga Muslim na nagpa-fasting o ‘nagpu-puasa’ ngayong panahon ng Ramadan.
Agad namang nagpadala ang Isabela City Government sa pangunguna ni Mayor Cherry Akbar ng relief goods sa Kaumpurnah Elementary School at Isabela City Gymnasium na nagsisilbing temporary evacuation centers ng mahigit dalawang libong biktima ng sunog.
Dahil sa Sunog, kanselado ang klase sa naturang paaralan na ginagamit na evacuation center ng mga naapektuhan ng sunog.
Samantala, Linggo naman ng umaga, baha naman ang sumalubong sa lungsod dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Dahil sa pagtaas ng tubig-baha na umabot ng lampas tuhod, kinailangang magsara ang mga negosyo sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.