Ginawa ni Chiong ang “reshuffle” pag-upo nito sa puwesto noong Hulyo 2022.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires hindi maitatanggi naman ni Montalbo na may kinalaman siya sa galawan ng mga kawani dahil siya ang namumuno sa Finance and Administration ng MIAA.
Sabi pa ni Martires, ipinagdiinan ng mga nagalaw na kawani na hindi ipinaliwanag sa kanila ang mga dahilan ng paglipat at wala din anila silang kinahaharap na mga kasong administratibo. Iginiit nito na mabigat ang mga ebidensiya laban kina Chiong at Montalbo sa reklamo sa kanilang “grave misconduct.” Samantala, tiwala si Chiong na maibabasura lamang ang mga reklamo sa kanya.MOST READ
LATEST STORIES