MIAA chief, deputy sinuspindi ng Ombudsman

By Jan Escosio May 03, 2023 - 05:45 AM
Nasa “preventive suspension” ngayon si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong base sa kautusan ng Office of the Ombudsman.   Sa kautusan na may petsang Abril 28, suspindido si MIAA acting Assistant General Manager Irene Montalbo dahil sa “grave abuse of authority, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.” Nag-ugat ang suspensyon kay Chiong sa paglilipat ng 285 empleado ng MIAA at ang pagkakatalaga kay Montalbo sa puwesto bagamat nakatanggap ito ng “unsatisfactory rating” noong 2020.  

Ginawa ni Chiong ang “reshuffle” pag-upo nito sa puwesto noong Hulyo 2022.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires hindi maitatanggi naman ni Montalbo na may kinalaman siya sa galawan ng mga kawani dahil siya ang namumuno sa Finance and Administration ng MIAA.

  Sabi pa ni Martires, ipinagdiinan ng mga nagalaw na kawani na hindi ipinaliwanag sa kanila ang mga dahilan ng paglipat at wala din anila silang kinahaharap na mga kasong administratibo.   Iginiit nito na mabigat ang mga ebidensiya laban kina Chiong at Montalbo sa reklamo sa kanilang “grave misconduct.” Samantala, tiwala si Chiong na maibabasura lamang ang mga reklamo sa kanya.

TAGS: abuse, MIAA, NAIA, ombudsman, abuse, MIAA, NAIA, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.