Mandatory face mask use hindi pa kailangan – DOH

FILE PHOTO

Hindi pa kailangan na ibalik ang mandatory face mask use, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito na rin ang rekomendasyon ng kagawaran kay Pangulong Marcos Jr.

Nabuo ito, ayon sa DOH, sa kanilang pakikipag-usap sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ngunit agad nilinaw ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi ito nangangahulugan na tutol sila sa pagsusuot ng mask at aniya sa katunayan ay hinihikayat nila ang paggamit ng mask para sa proteksyon.

“Piliin natin na magmask tayo kapag pupunta tayo sa mga high risk na mga lugar katulad po ng matataong lugar and closed spaces na pangit ang ventilation lalong-lalo na kung hindi kayo bakunado. Kung kayo po ay nakakatanda o may comorbidity o di kaya kayo po ay immunocompromised o buntis, pillin po natin na magmask,” aniya.

Paliwanag lamang ni Vergeire, tataas at bababa ang COVID 19 cases dahil nananatili ang nakakamatay na virus at aniya sa katunayan ay nagbubunga pa ng “subvariants.”

Hindi din aniya dapat urong-sulong sa mga polisiya dahil makakaapekto ito sa ilang sektor ng lipunan.

“We cannot have that low tolerance na kapag tumataas ang kaso bigla tayong major reaction ibalik natin iyang pagmamask, mag lock down tayo uli. We cannot do this back and forth policies because we have to balance this with our economy,” aniya.

“Diyan sa ekonomiyang pinaguusapan natin andami nang nagugutom natin na kababayan which also affects our health, kaya lahat yan binabalanse,” dagdag pa nito.

Read more...