Systems’ audit Audit sa NAIA terminals hiniling ni Sen. Win Gatchalian

May 02, 2023 - 06:21 PM

FILE PHOTO

Inihirit ni Senator Sherwin Gatchalian ang agarang pagsasagawa ng audit sa mga pasilidad at kagamitan sa NAIA Terminals.

Kasunod ito nang pagkawala ng suplay sa kuryente sa NAIA Terminal 3 kahapon na lubos na naka-perwisyo sa libo-libong pasahero.

Una nang natukoy na ang main circuit breaker ng NAIA Terminal 3’ ang dahilan ng Labor Day power outage na maituturing aniya na internal issue.

Pagdiin lamang ng senador hindi katanggap-tanggap na nangyari na naman ang aberya ilang buwan lamang makaraang maparalisa ang  buong air transport system sa pagpasok ng bagong taon.

Sinabi pa ng senador na dapat may natutuhan na ang pamunuan ng NAIA sa nakalipas na insidente at nagpatupad na ng nararapat na hakbang tulad ng paglalatag ng redundancy system.

Sa kabilang dako, dapat namang tiyakin ng Manila International Airport Authority, Department of Transportation at airline companies na masusunod ang passenger rights, kasama na ang right to compensation and amenities.

Dapat tugunan ng mga ito ang pangangailangan ng mga naapektuhang pasahero at tiyakin ang kanilang kaligtasan.

Ipinaalala pa ng senador na anumang pagkagambala o pagkaantala ng mga sistemang pang-transportasyon ay nagdudulot ng masamang epekto sa ekonomiya kaya dapay itong pagbuhusan ng pansin para hindi na pauilit-ulit ang mga aberya.

TAGS: audit, NAIA T3, power outage, system, audit, NAIA T3, power outage, system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.