2 hinihinalang drug pusher, patay sa buy bust operation sa Laguna

By Mariel Cruz June 19, 2016 - 03:57 PM

Calamba LagunaPatay matapos barilin ng mga pulis ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher sa isang buy bust operation sa Calamba City, Laguna kagabi.

Ayon kay Supt. Fernando Ortega, hepe ng Calamba City police, nakilala ang suspek na sina Aljon Andres, 21 taon gulang na naninirahan sa Barangay San Cristobal, at isang “Rafael”.

Nagsagawa aniya ng buy bust operation ang kanyang mga tauhan sa Barangay Banlic alas diyes kagabi.

Kwento pa ni Ortega, aarestuhin na ang mga suspek nang biglang manlaban ito at magpaputok ng baril.

Nakatakas naman ang isa pang suspek na kinilalang si “Sargot” sakay ang isang motorsiklo.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu at dalawang baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.