Sabotahe ikinukunsidera sa NAIA T3 power shutdown, intel agency pasok sa imbestigasyon

By Jan Escosio May 02, 2023 - 06:17 PM

FILE PHOTO

Inanunsiyo ni Transportation Secretary Jaime Bautista na bumuo ng joint committee na mag-iiimbestiga sa ugat ng pagkawala ng kuryebte sa NAIA Terminal 3 kahapon.

Kasabay nito ang pagbabalik sa normal ng operasyon sa naturang terminal.

Ibinahagi nito na may impormasyon na hindi pangkaraniwan ang pagbagsak ng sistema sa naturang terminal.

Aniya ang komite ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), National Intelligence Coordinating Agency (NICA),  gayundin ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Sinabi pa ng kalihim na hindi isinasantabi ang posibilidad ng pananabotahe.

Sa biglaang pagbagsak sa suplay ng kuryente, libo-libong pasahero ang naapektuhan.

TAGS: dotr, MIAA, NAIA, NBI, nica, PNP, Terminal 3, dotr, MIAA, NAIA, NBI, nica, PNP, Terminal 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.