24 patay, 26 nawawala sa malawakang pagbaha at landslide sa Indonesia

By Mariel Cruz June 19, 2016 - 03:51 PM

Indonesia
Photo from AFP

Aabot sa dalawampu’t apat na katao ang nasawi habang dalawampu’t anim naman ang nawawala dahil sa malawakang pagbaha at landslide sa Jakarta, Indonesia.

Ayon kay Disaster Agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho, nagdulot ng malalang pagbaha sa Central Java ang malakas na pagbuhos ng ulan na nagsimula pa kahapon.

Ilang bahay ang nalubog sa pagbaha at pagguho ng lupa na naging resulta sa pagkasawi at pagkawala ng mahigit apatnapung katao.

Makikita sa inilabas na video footage ng local broadcasters ang ilang residente na nakaupo sa bubong ng kanilang bahay upang makaligtas sa tumataas na tubig.

Dagdag ni Sutopo, nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation para sa mga napaulat na nawawala.

Nagtayo naman aniya ng mga temporary shelters upang magsilbing evacuation center para sa mga napinsala ng flashflood at landslide.

Matatandaang noong nakaraang buwan, labing limang estudyante ang nasawi habang nagbabakasyon sa isang popular na tourist spot sa western Indonesia matapos magkaroon ng landslide sa kanilang tinutuluyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.