P1.43-B halaga ng smuggled cigarettes winasak sa Zamboanga
Tiniyak ng Bureau of Customs Port of Zamboanga (BOC-POZ) na hindi na mapapakinabangan ang 19,419 cases at 667 reams ng smuggled cigarettes kanilang bodega sa Baliwasan, Zamboanga City.
Sinaksihan ng mga kinatawan mula sa Commission on Audit, local government unit, at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang pagwasak sa mga naturang sigarilyo na may kabuuang halaga na P1,439,586,900.
Nasamsam ang mga sigarilyo sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi sa unang tatlong buwan ng taon.
Kinumpiska ang mga sigarilyo kaugnay sa paglabag sa R.A. 10863 o ang “Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.