Kampo ni Sen. Bongbong Marcos, maghahain ng electoral protest sa June 27
Walang atrasan ang paghahain ng kampo ng talunang Vice Presidential candidate Bongbong Marcos ng electoral protest sa Presidential Electoral Tribunal o PET.
Ayon ni ABAKADA PL Rep. at campaign adviser ni Marcos na si Jonathan Dela Cruz, ang kaso ay isasampa sa June 27, 2016, o tatlong araw bago ang inagurasyon nina President-elect Rodrigo Duterte at Vice President-elect Leni Robredo.
Si Marcos ay tinalo ni Robredo ng mahigit dalawang daang libong boto, sa nakalipas na May 9 Elections.
Muling sinabi ni Dela Cruz na si Marcos ay biktima ng dagdag-bawas na operasyon noong halalan.
Aniya, mahigot isang milyong boto ang nawala, bukod pa sa naging kaduda-kuda ang pangunguna ni Robredo sa Vice Presidential election count lalo’t nangyari ito noong madaling araw ng tabulation.
Umaasa si Dela Cruz na papaya ang PET para sa system audit upang mailabas ang katotohanan.
Noong Biyernes, sinimulan na ng Manila Prosecutor’s Office ang preliminary investigation nito sa kasong isinampa ng Marcos camp laban sa Smartmatic executives at Comelec Information Technology personnel na lumabag anila sa Cybercrime Law.
Matatandaang nagsagawa si Smartmatic executive Marlon Garcia ng hindi otorisadong change of script sa transparency server ng Comelec noong kasagsagan ng bilangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.