Alyansa ng Pilipinas at Amerika palalakasin pa

 

 

Washington, D.C.-Nagkasundo sina US President Joe Biden at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin pa ang alyansa ng Pilipinas at Amerika.

Pahayag ito ng dalawang lider sa isinagawang bilateral meeting sa Oval office sa White House sa Washington, D.C.

Sa opening remarks, sinabi ni Pangulong Marcos na nakababahala ang tumitinding tensyon sa Asia-Pacific.

Ipinunto ng Pangulo ang kahalagahan ng tulong ng Amerika para mapanatili ang peace at stability sa rehiyon.

“Beyond that, there are also issues, geopolitical issues that make the region… the Philippines is, possibly, arguably the most complicated geopolitical situation in the world right now,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Natural lamang aniya para sa Pilipinas na maghanap ng treaty partner sa mundo.

“It is only natural for the Philippines to look to its sole treaty partner in the world, to strengthen and to redefine the relationship that we have and the roles that we play in the face of these… tensions that we see now around the South China Sea and the Asia-Pacific and Indo-Pacific region,” pahayag ng Pangulo.

“We have many things that are new that need to be assessed and again our role as partners in the world…in our worldview of what we are hoping for the future of peace, not only in the Asia-Pacific and Indo-Pacific region but in the whole world,” dagdag ng Pangulo.

Sa panig ni President Biden, sinabi nito na mananatili ang ironclad commitment ng Amerika sa Pilipinas.

“Our countries not only share strong partnership. We share deep friendship, one that has been enriched by millions of Filipino-Americans and the communities all across the United States,” pahayag ni Biden.

Ito na ang ikalawang bilateral meeting nina Biden at Marcos.

Unang nagkausap sina Biden at Marcos sa United Nations General Assembly sa New York noong Setyembre 2022.

 

Read more...