Mga nasunugan sa Cavite City agad sinaklolohan ng LGU, Mayor Denver Chua
By Jan Escosio May 01, 2023 - 06:20 PM
Sa pangunguna ni Mayor Denver Chua, agad nabigyan ng paunang tulong ang mga nasunugan sa Quadra, Cavite City.
Makalipas ang dalawang araw, nagpaabot agad ng P30,000 si Chua sa 642 pamilyang biktima. Ani Chua ang tulong-pinansiyal ay para muling makapagsimula muli ang mga biktimang, partikular na nag pagpapatayo muli ng kanilang bahay. “Kinausap narin natin ang ating mga engineers upang magawa ang mga tulay at kuneksyon ng ilaw at tubig sa lugar,” sabi pa ni Chua. Paliwanag lang din ng opisyal sa mabusising proseso ukol sa pagbibigay ng pamahalaang-lungsod, may mga nagpapanggap na biktima para makakuha din ng ayuda. “Nakakalungkot lang na sa mga sakuna kagaya nito ay meron paring mapagsamantala na hindi naman na sunugan pero sinusubukang kunin ang mga tulong na dapat sana ay sa mga nasunugan. Iba naman ay pinipilit na makakuha ng tulong pinansyal kahit meron ng nakakuha sakanila o doble doble na. Ito ang nagiging dahilan kaya kailangan ma i-validate maigi ang mga nagpalista upang maiwasan ang gawain ng mga mapagsamantalang iilan,”diin nito. Si Rep. Jolo Revilla ay nagbigay na rin ng P10,o00 sa bawat pamilyang nasunugan at susundan ito ng tulong mula kay Sen. Bong Revilla at Agimat Partylist. Nagbigay na si Social Welfare Sec. Rex Gatchalian ng mga pagkain at sinabi nito na bawat pamilya ay tatanggap ng tig-P20,000 mula sa kagawaran.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.