Katawan ni Robert Hall, hindi pa rin natatagpuan

By Mariel Cruz June 19, 2016 - 10:48 AM

Robert hallHindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon ang katawan ng dayuhang bihag na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf group noong Lunes sa Sulu.

Ngunit ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan, ipagpapatuloy nila ang ginagawang paghahanap sa bangkay ni Canadian national Robert Hall na pangalawang pinugutan ng ulo ng ASG.

Nakatanggap aniya sila ng impormasyon na dalawang lugar sa Sulu ang posibleng kinaroroonan ng katawan ni Hall.

Kabilang sa lugar na sinasabing pinagtaguan sa bangkay ni Hall ay ang munisipyo ng Talipao.

Pero ayon pa kay Tan, nang puntahan ng kanilang tropa ang dalawang lugar ay wala silang natagpuan na bangkay.

Paniniwala ng militar, posibleng nililipat ng Abu Sayyaf ang bangkay ng biktima sa iba’t ibang lugar upang mas mahirapan sila sa ginagawang paghahanap.

Sinabi rin ni Tan na biniberipika nila ang lumulutang na impormasyon mula mismo umano sa ASG na sa karagatan itinapon ang bangkay ni Hall.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.