Romualdez: Kamara suportado si PBBM na mapalakas ang Ph-US relation sa ekonomiya, seguridad
Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang buong suporta ng Kamara sa nais ni Pangulong Marcos Jr., na mapalakas pa ang ugnayan ng Pilipinas at US para sa pananatili ng kapayapaan sa Indo-Pacific Region. Inaasahan na kabilang ito sa mga mapapag-usapan nina Pangulong Marcos Jr. at US President Joe Biden sa pagbisita ng una sa White House. “The House of Representatives stands solidly behind President Marcos in his effort to further bolster the long-standing relationship between the Philippines and the United States with the end in view of ensuring peace and stability in the Indo-Pacific region,” ani Romualdez. Kabilang si Romualdez sa mga opisyal ng gobyerno na sumalubong kay Pangulong Marcos pagdating nito sa Joint Base Andrews airport sa Maryland. Sinabi na ni Pangulong Marcos Jr., na ipapaliwanag niya kay Biden ang interes ng Pilipinas na mapanatili ang kapayapaan sa naturang rehiyon. “Geopolitical tensions and apprehensions of possible hostilities in the region will have an adverse effect on our aspirations for sustained economic growth and prosperity. It is to everyone’s benefit to ensure that conflicts are resolved through diplomatic and peaceful means,” dagdag pa ni Romualdez. Higit dalawang linggo na sa US si Romualdez sa US at inilatag ang mga kakailanganin sa pagbisita ni Pangulong Marcos Jr., sa US sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga mambabatas ng Amerika para mapalakas pa ang alyansa sa seguridad at ekonomiya ng dalawang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.